Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Namahagi ng 1,000 relief goods ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa mga nasalanta ng Super Typhoon Egay sa dalawang bayan sa lalawigan kamakailan.

Nasa 500 family food packs na may lamang canned goods at bigas ang naibigay sa Sanchez Mira.

Nagtungo ang mga tauhan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa barangay hall ng Nammuac kung saan ipinamahagi ang relief goods.

Sa Claveria, binigyan din ng 500 family food packs ang mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa Brgy. Cadcadir East, Cadcadir West, Taggat Norte, Mabnang, Centro 3, Centro 4 at Kilkiling.

Ang naturang tulong ay mula sa Provincial Social Welfare and Development Office at provincial government ng Cagayan.