Iba pa rin talaga ang tinaguriang "Kapuso Primetime Queen" na si Marian Rivera-Dantes dahil kahit siya masyadong aktibo pa sa paggawa ng mga proyekto sa telebisyon, humakot kaagad ng milyon-milyong views ang latest TikTok video niya!

Habang isinsusulat ang balitang ito ay umabot na sa 33.7M views ang TikTok challenge ni Yan habang sumasayaw ng remix version ng "Price Tag" ni Jessie J.

Pati sa X (dating Twitter) ay talaga namang trending si Mrs. Dantes!

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

"Marian Rivera is still very beautiful no matter what she signs up for."

"Grabe may bago na namang gagayahin!"

"Ang simple lang ng damit niya pero lutang pa rin ang ganda!"

"Effortlessly beautiful and she still has it!"

"Hindi pa masyadong active ngayon si Marian ha... marami nang nakaka-miss sa kaniya."

Sa kasalukuyan, abala si Marian sa gagawin nilang comeback movie ng mister na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Star Cinema, ang movie outlet ng ABS-CBN, at sa muling pagbabalik-serye sa GMA Network.