Inaresto ng pulisya ang isang high-value individual na drug suspect matapos mahulihan ng ₱96,000 halaga ng marijuana sa ikinasang operasyon sa Gattaran, Cagayan nitong Biyernes.

Nasa selda na ang suspek na hindi na isinapubliko ng pulisya ang pagkakakilanlan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa police report, sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng suspek sa Barangay Casicallan Norte, Gattaran, Cagayan sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Regional Trial Court Branch 7 Judge Ramses Peralta ng Aparri, Cagayan sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165).

Bukod sa pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa isang clear tape na nagkakahalaga ng ₱96,000, nasamsam din sa suspek ang limang plastic sachet ng shabu, dalawang homemade na Caliber .22, mga bala at dalawang mobile phone.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang suspek upang matukoy ang pinagkukunan nito ng illegal drugs.