Umabot pa sa 201 rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras.

Ayon sa website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagkaroon din ng 100 pagyanig ng bulkan, bukod pa ang naobserbahang pagbuga ng abo.

Naitala rin ang pitong pyroclastic density current (PDC) events simula Biyernes hanggang Sabado ng madaling araw.

Rumagasa rin ang lava hanggang 3.4 kilometro sa bahagi ng Bonga Gully, 2.8 kilometro naman sa Mi-isi Gully at 1.0 kilometro sa Basud Gully.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Bumuga rin ang Mayon Volcano ng 1,888 tonelada ng sulfur dioxide nitong Agosto 11.

Bukod dito, naobserbahan din ang puting usok mula sa bunganga ng bulkan at tinangay ng hangin pa-silangan timog-silangan at silangan hilagang-silangan.

Nananatili pa rin sa Level 3 ang alert status ng bulkan na posible pa ring sumabog anumang oras, ayon pa sa Phivolcs.