CABANATUAN CITY, Nueva Ecija — Nasamsam sa isang drug den ang mahigit ₱100,000 halaga ng umano’y shabu at naaresto naman ang apat na indibidwal sa Barangay Dalampang dito, Huwebes, Agosto 10.

Kinilala ni PDEA Nueva Ecija provincial officer ang mga suspek na sina Jayson Santos, Jeffrey Santos, Harmond Binuya, at Irish Santos na pawang residente ng nasabing lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasamsam sa kanila ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na may timbang na hindi bababa sa 15 gramo ng shabu at may estimated street value na ₱102,000; assorted drug paraphernalia, at marked money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.