Nagsagawa ang pamahalaan ng emergency cash transfer (ECT) payout sa mga pamilyang naapektuhan ng magkakasunod na bagyo sa Mountain Province.

Ito ang isinapubliko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Cordillera Administrative Region (CAR) nitong Biyernes, Agosto 11.

Sinabi ng ahensya, pinangunahan ni DSWD-CAR director Leo Quintilla ang pamamahagi ng nasabing tulong sa naturang lalawigan.

Gayunman, hindi binanggit ng DSWD kung ilang pamilya ang nabigyan nila ng tulong sa Mountain Province.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Paliwanag ng DSWD, bahagi lamang ito ng kanilang early recovery at rehabilitation program para sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.