Inaasahang bababa ang presyo ng bigas sa bansa ngayong taon, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes.

Paliwanag ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, patuloy na silang nakikipag-usap sa Vietnam at India para sa rice supply ng bansa alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Nagbigay na rin aniya ng price quotations ang mga Vietnamese exporter na US$30 hanggang US$40, mas mababa kumpara sa isinapubliko sa nakaraang pagpupulong Malacañang kamakailan.

Ito aniya ay magbibigay ng magandang pagkakataon para sa karagdagang pag-aangkat ng bigas na mula sa 300,000 hanggang 500,000 metric tons na inaasahang darating sa bansa ngayong taon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“This will help lower the prices of rice as it will further beef up our national inventory which, even without importation, is expected to last for 52 to 57 days by end of 2023,” anang opisyal.

Matatandaang tiniyak ni Marcos na sapat ang suplay ng bigas sa kabila ng malawakang pagkasira ng mga pananim dulot ng Super Typhoon Egay kamakailan.