Mahigit sa ₱10.4 milyong halaga ng shabu ang natagpuang nakatago sa banyo ng isang restaurant sa Candelaria, Quezon nitong Huwebes.

Sa Facebook post ng Quezon Police Provincial Office, nasa 511.5 gramo ng illegal drugs ang natagpuan ng isang service crew sa isang trash bin ng banyo nitong Agosto 10 ng gabi.

Posible umanong natakot ang courier nang makita ang mga pulis na pumasok sa lugar upang kumain kaya iniwan na lamang ang illegal drugs sa tapunan ng basura.

Pinag-aaralan pa ng pulisya ang mga closed-circuit television (CCTV) camera upang matukoy ang naturang drug courier.
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol