Bentang-benta sa mga netizen ang sagot at hirit ni "It's Showtime" host Ryan Bang sa tanong sa kaniya ni King of Talk Boy Abunda, na kung sakaling magkakaroon ng proyekto sa GMA Network at magkakaroon siya ng leading lady, sino sa Kapuso stars ang pipiliin niya?

Kasama ni Ryan sa panayam ang "It's Showtime" co-host at tinaguriang "Sample King" na si Jhong Hilario.

Si GMA senior vice president Annette Gozon-Valdes ang isinagot ng Pinoy-at-heart Korean TV personality.

“Oo! Mukha s’yang Korean," paulit-ulit na sey ni Ryan. "Bagay kami..."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Alam mo, marunong kang pumili ha,” biro naman ni Boy.

“Oo, leading lady. Para pagkatapos ng Fast Talk [With Boy Abunda], 24 Oras, five hours teleserye namin,” hirit pa ni Ryan.

Pero aminado naman si Ryan na may nililigawan siya ngayon. Dito ay natanong pa ng talk show host kung ano ang pagkakaiba ng isang girlfriend na Koreana sa girlfriend na Pilipina.

" “Ang Korean girlfriend selosa. Ang Pinay mas selosa. Hahahaha!" natatawang sabi ni Ryan.

"Pero maalaga kasi ang mga Pinay…mas maalaga."

Dahil napapanood ang "It's Showtime" sa GTV channel ng GMA, nakakapag-guest ang mga host nito sa Kapuso Network.