Tumaas ang presyo ng imported at lokal na bigas ilang araw na ang nakararaan nang tumama ang magkasunod na bagyo sa bansa.

Sa panayam sa negosyanteng si Rommel de Guzman, lahat ng uri ng bigas na binibili nila mula sa supplier na Intercity Rice mill Owners and Traders Association, Inc. sa Industrial Estate sa Bocaue, Bulacan ay may dagdag-presyo.

Aniya, kabilang sa mga ito ang imported rice, katulad ng bachelor (sinandomeng) rice na mula Thailand at coco pandan na mula naman sa Vietnam.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"Ang presyo dati ng coco pandan ay ₱980.00, ngayon ay ₱1,230 na ang isang sako (25kg.).

Aabot naman ng ₱2,400 ang isang sako (50kg.) ng bachelor rice, mas mataas kumpara sa dati na ₱1,900, ayon kay De Guzman.

"Lahat ng bigas, tumaas mula nang magkaroon ng sunud-sunod na bagyo," aniya.

Tumaas din aniya ang presyo ng local na denorado rice na nasa ₱1,280 na, mas mataas kumpara sa dati na ₱1,100.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Department of Agriculture (DA) hinggil sa usapin.