Muling nagbabalik sa social media ang comedian-TV host na si Awra Briguela matapos ang pananahimik dulot ng kaniyang kinasangkutang gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati.

Simula nang makapagpiyansa mula sa pagkaka-detain ay hindi muna naging aktibo si Awra sa kaniyang social media platforms, gayundin sa kaniyang game show na "Emojination" kasama si Maja Salvador, na napapanood sa TV5.

Nitong Miyerkules ng hapon, Agosto 9, nag-post sa kaniyang X account si Awra subalit para lamang sa promotion ng kaniyang kinabibilangang series na "Comedy Island Philippines" na mapapanood sa Prime.

https://twitter.com/AwraBriguelaaa/status/1689203918000324608

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/AwraBriguelaaa/status/1689426811653148672

Kapansin-pansing naka-turn off ang comment section ng kaniyang posts subalit mapapansing marami na ang nag-retweet o nag-share nito.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang updates hinggil sa reklamong isinampa laban sa kaniya.