Lumalakas na ang turismo sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Tourism, Culture and Arts Office (PTCAO) chief Dorothy Colle batay na rin sa Facebook post Albay Provincial Information Office nitong Miyerkules, Agosto 9.

Nasa 25 porsyento aniya ang itinaas ng pagdagsa ng mga turista sa lalawigan, mas mataas kumpara sa naitala nitong 2022.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Malaking tulong aniya sa pag-angat ng turismo sa lugar ang naoobserbahang crater glow at pagbuga ng lava ng bulkan lalo na pagsapit ng gabi.

Gayunman, nilinaw ni Colle na ligtas naman ang mga turista habang pinanonood ang pamumula ng bunganga ng bulkan dahil nakapuwesto sila sa mga designated viewing site na malayo sa permanent danger zone (PDZ).

"Despite the negative impacts caused by the Mayon volcanic activity to the community, such as fear and inconvenience to the affected families, but the positive result helps boost Albay's local economy as it added to the income of small businesses extending their services to the tourists, such as transportation, accommodation, food, souvenir shops, and tourist guides," dagdag pa ni Colle.

Kamakailan, nanawagan ang provincial government ng Albay na open pa rin sa mga turista ang lalawigan at maaaring saksihan ang pagbuga ng lava ng bulkan mula sa labas ng PDZ.