Usap-usapan ngayon sa social media ang paratang laban kay dating "Pinoy Big Brother" Grand Winner na si Lie Reposposa matapos daw itong maispatang tila nasa akto ng pakikipaghalikan sa isang dayuhan, habang kasama raw niya sa isang bar ang mga kaibigan.

Dahil medyo malabo ang kumakalat na video at malayo pa ang shot, hindi matukoy at makumpirma kung si Lie nga ba ang babaeng nasa video, subalit viral na ito at pinagpipiyestahan na ng mga netizen sa Facebook, X, at TikTok.

Ipagpalagay rin na si Lie nga ang umano'y babaeng nakikipaglampungan sa isang afam sa video, hindi rin tiyak kung ang lalaking ito'y ibang afam o si Paul Joshua rin mismo.

'Pinasok ka'gad!' Lie Reposposa may nilinaw sa 'engagement' nila ng jowang afam

Lalo pang lumutang ang pangalan ni Lie nang mag-post daw ng komento ang kaniyang British boyfriend na si Paul Joshua Marsden sa TikTok tungkol dito.

"It's crazy, we are engaged. We tell the public we are not because of her management but we are meant to get married in the new year. Can't believe it," mababasa raw na pahayag mula sa isang TikTok account na "coolguy032904" na pagmamay-ari daw ng afam na jowa ni Lie.

Kung bibisitahin ang social media platforms ni Lie, mapapansing naka-turn off na ang comment sections ng lahat ng posts niya.

Sa kaniyang Instagram story naman ay ibinahagi pa ni Lie ang litrato nila ng jowa together. Ipinost din niya nitong Agosto 8 sa IG ang nabanggit na litrato. Wala itong kahit na anong caption at naka-turn off din ang comment section.

Photo courtesy: Lie Reposposa's IG

Matatandaang nilinaw ni Lie na hindi pa sila engaged ng kaniyang foreigner boyfriend sa morning talk show na "Magandang Buhay."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Lie o si Paul Joshua tungkol sa isyu. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.