Ibinahagi ng Filipino-American basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. ang video clip ng pagmamaneho para sa kaniya ng jowang si Zeinab Harake.

Kilig na kilig ang basketbolista dahil ang ganda raw ng sundo niya, na makikita sa kaniyang Instagram story.

"Let's go... ganda ng sundo ko!" bulalas ni Bobby Ray habang ipinakikita ang pagmamaneho ng natatawang si Zeinab.

Nag-finger heart naman si Zeinab gayundin si Bobby Ray.

Zeinab 'daddy' si Bobby Ray: 'Salamat sa Diyos, may partner akong di pasasakitin ulo ko!'

"It's me, hi!" ani Zeinab habang paminsan ay sumusulyap-sulyap sa hawak na cellphone ng jowa.

"Kinilig ako," hirit pa ni Bobby Ray.

"Love you more," dagdag pa nito.

Matatandaang inamin na ni Zeinab sa "Fast Talk with Boy Abunda" ang tunay na score sa pagitan nilang dalawa.