NUEVA VIZCAYA —  Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa Brgy. Escoting, Diadi rito nitong Miyerkules, Agosto 9.

Ayon sa ulat ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, hindi pa nakilala ang nasabing bangkay na natagpuan sa taniman ng mais.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Suot ng babae ang kulay asul na skinny pants, at puting T-shirt na may tatak na Louis Vuitton. Tinatayang nasa 5’3 ang height nito.

Dagdag pa ng ulat, nadiskubre ng isang concerned citizen ang bangkay.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya.