Inilabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ₱30 milyong halaga ng relief goods na para sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ito na ang ikaapat na bugso ng distribusyon ng relief goods sa naturang lugar.

Nasa 5,410 pamilyang nananatili pa rin sa mga evacuation center at 417 pamilyang nasa labas ng mga evacuation center ang nakinabang sa naturang tulong.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kabilang din sa nakatanggap ng tulong ang 773 economically displaced families.

"The total cost of assistance released by DSWD Field Office (FO) Region 5 for the fourth wave of assistance has amounted to ₱30,162,769.13. The coverage of the FO-5 assistance is for a 15-day period, from August 9 to 23," sabi pa ng DSWD.