LUCENA CITY, Quezon — Nasamsam ng pulisya ang ₱8.1 milyong halaga ng umano’y shabu at naaresto ang isang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Baybayin 1, Barangay Ibabang Dupay rito nitong Miyerkules, Agosto 9.

Kinilala ni Quezon police chief Col. Ledon Monte ang suspek na si Alibsar Macarangcat Macasari, 37, isang high-value individual, at residente ng General Mariano Alvarez, Cavite.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakumpiska kay Macasari ang apat na heal-sealed transparent plastic sachets at tatlong nakataling transparent plastic bags na naglalaman ng umano’y shabu at tumitimbang ng 400 gramo na may halagang ₱8.1 milyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Lucena police station custodial facility ang suspek at mahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.