Huwag magtataka kung sakaling mabisita ang Instagram account ni Kapuso singer Mark Bautista at mawindang sa larawan ng mga babaeng naghe-hello ang boobey rito, dahil na-hack daw ito.

Photo courtesy: Mark Bautista's IG

Photo courtesy: Mark Bautista's IG

Sa Facebook post ni Mark, ipinabatid niya sa lahat na ang kaniyang Instagram account ay na-hack kaya huwag ikagulat ng mga netizen kung makakikita sila ng mga larawan ng babaeng naka-bikini at halos umalagwa na ang dibdib.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"My Instagram account has been hacked," ani Mark, sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Agosto 7, 2023.

"Guys I'll try to retrieve it. But for now pls help me report it. Thanks.. haaay," saad pa niya.

Pinayuhan naman siya ng kapwa singer na si JM Bales na ireport kaagad ang insidente sa Instagram team.

"Kuys, report mo agad sa Instagram team, mabilis sila mag-reply. Na-hack din ako before," saad nito.