Ibinahagi ni Broadway Diva Lea Salonga na kaka-recover lamang niya sa Covid-19 kaya hindi siya napagkikita sa "Here Lies Love" sa Amerika kamakailan.

Kuwento ni Lea, nagpositibo siya sa Covid-19 kaya kinailangan niyang mag-isolate upang hindi na makahawa ng ibang tao.

Dahil dito, ipinabatid ni Lea sa lahat na hindi muna siya tatanggap ng out of stage door autograph signing upang matiyak ang kaligtasan sa kalusugan ng lahat.

Photo courtesy: Lea Salonga's FB

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Photo courtesy: Lea Salonga's FB

Ipinagpapasalamat na lamang ni Lea na mild symptoms lamang ang dumapo sa kaniya.

"Thank you so much for supporting our show! Can't wait to get back on the dance floor!" anang Lea sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Agosto 7.

Photo courtesy: Lea Salonga's FB

Matatandaang kamakailan lamang ay nalagay sa isyu si Lea matapos i-upload ng isang fan ang video ng ginawa umanong pagtataboy sa kaniya ng international singer, nang tangkain niyang magpa-picture dito sa may bandang dressing room.