Minamadali na ng pamahalaan ang pagpapalabas ng halos ₱3 bilyong fuel subsidy para sa mga operator at driver ng public utility vehicle (PUV) sa bansa, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Layunin ng subsidiya na matulungan ang mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa datos ng DOTr, nasa 1,640,000 driver, kabilang ang mga tricycle driver at delivery rider, ang makikinabang sa fuel assistance.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Inatasan na ng DOTr ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na madaliin ang distribusyon ng cash assistance.

Ipinaliwanag pa ng DOTr, tig-₱10,000 ang matatanggap ng mga driver ng modern public utility jeepney at modern UV Express habang nasa ₱6,500 naman ang matatanggap ng mga driver ng iba't ibang modes of transport.

PNA