Hindi na raw naiisip ni Kapamilya star Andrea Brillantes ang nangyaring hiwalayan nila sa pagitan ng ex-boyfriend na si Ricci Rivero.

Bago pa pala sumambulat sa lahat ang tungkol sa hiwalayan at dahilan nito, unti-unti nang nakapag-move on si Andrea at ininda lahat ng stages ng tuluyang pagmo-move on pagdating sa isang nawasak na relasyon.

Isang buwan daw halos ang iginugol ni Blythe na hayaang maramdaman niya ang sakit ng mga nangyari sa naunsyaming pag-iibigan nila ng basketball player.

Ipinagpapasalamat na lamang ng aktres na hindi niya pinagdaanan ang "depression stage."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Nawala naman na ‘yong galit sa akin surprisingly po for me. Hindi ko 'yon inexpect kasi kilala ko ‘yong sarili ko na talagang kinikimkim ‘yong bubog or kung anoman betrayal ang matanggap ko in life," paliwanag ni Andrea, sa naganap na renewal of contract sa ABS-CBN at Star Magic kamakailan.

Ginamit daw niya ang mga buwan na iyon upang makapagnilay-nilay sa kaniyang buhay. Masasabi raw niyang "time heals everything" talaga.

“Time heals everything. Thank you Lord, ginawa niyang one week. ‘Yong iba kasi years, buwan. After no'n, nariyan 'yong friends ko, fans ko, ‘yong family ko na mahal na mahal ako, ‘yong network ko.

Kung mabibigyan pa nga raw ng pagkakataon ay willing makipagkita si Blythe kay Ricci upang mapag-usapan nila ang mga nangyari.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Ricci tungkol dito.