CAMP G. NAKAR, Lucena City, Quezon - Nakumpiska sa isang mekaniko ng tren at sa kasabwat na driver ang tinatayang aabot sa ₱1 milyong halaga ng shabu sa nasabing lungsod kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Edison Villegas, alyas Edwin, binata, 40, taga-Barangay Isabang, Lucena City, at Francisco Ureta, alyas Acal, 62, taga-Brgy. Bagumbayan, Mauban, Quezon.

Ayon kay Quezon Police director Col. Ledon Monte, naaresto ang dalawa sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. 3, nitong Agosto 4.

Aniya, kabilang ang dalawang suspek sa mga minamanmanan na street-level individual (SLI) sa lungsod.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasamsam ng pulisya ang 52.1 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,062,84.00, isang cellular phone, isang van (NDC 2403) at marked money.

Inihahanda na ng pulisya ang kaso laban sa dalawang suspek.