Isang indigo-banded kingfisher ang malaya umanong nakalilipad sa Masungi Georeserve sa Rizal.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Agosto 4, ibinahagi ng Masungi ang kamangha-manghang larawan ng “blue bird.”

“It is one of the 99 recorded bird species that adorn the wondrous tapestry of Masungi's ecosystem,” saad nito.

Gayunpaman, inihayag din ng Masungi na nasa panganib na ang “existence” ng nasabing indigo-banded kingfisher at kailangan umanong pangalagaan upang hindi tuluyang mawala.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

“This little blue bird's very existence teeters in the balance, as it is labeled as critically endangered by the Department of Environment and Natural Resources (DENR AO 2019-09),” anang Masungi.

“Let's join hands to save it from ❌-tinction,” saad pa nito kasama ang hashtag na #SaveMasungi.