Nagpasaklolo na sa gobyerno si Bulacan Governor Daniel Fernando upang mabigyan ng ayuda ang mga naapektuhan ng bagyo sa kanyang nasasakupan.

Nitong Sabado, Agosto 5, nakipagpulong si Fernando kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian hinggil sa usapin.

Hiniling ng gobernador sa nasabing opisyal na mabigyan ng emergency cash transfer (ECT) ang mahihirap na senior citizen sa 17 na bayan na naapektuhan ng habagat, Super Typhoon Egay at bagyong Falcon.

Nitong Biyernes, namahagi ng relief goods si Senator Risa Hontiveros sa mga naapektuhan ng kalamidad sa Calumpit, Bulacan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kamakailan, isinailalim sa state of calamity ang lalawigan dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng habagat at bagyong Egay at Falcon.