Ipinagpatuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghahanap sa apat na rescuer na nawawala sa kasagsagan ng Super Typhoon Egay sa Aparri, Cagayan nitong Hulyo 26.

Ginamit na ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) ang kanilang helicopter sa kanilang search mission sa bisinidad ng Camiguin Island, Calayan, Cagayan sa pag-asang matagpuan ang apat na kasamahan.

Nitong Hulyo 30, natagpuan ang aluminum boat ng apat na nawawalang rescuer sa karagatang sakop ng Barangay Fuga, Aparri.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang patungo na sana sa Aparri ang apat na rescuer upang iligtas ang pitong tripulante ng M/Tug Iroquois na sumadsad dulot ng bagyo, nang maganap ang insidente.

Tumaob ang bangkay ng apat na matapos hampasin ng malakas na hangin at malalaking alon.