Nasa 6,641 pamilya ang nabigyan na ng emergency cash transfer (ECT) ng DSWD sa Ilocos Norte nitong Huwebes.

Ito ang isinapubliko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sinabing unang bugso pa lamang ito ng pamamahagi nila ng ayuda sa rehiyon.

Nilinaw ng ahensya, ang mga benepisyaryo ng programa ay nawalan ng bahay dulot na rin ng bagyong Egay.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nauna nang sinabi ng DSWD na bahagi lamang kanilang programa ang pagbibigay ng tulong sa mga pamilya upang makatulong sa pagbangon sa pinsala ng bagyo.

Bukod sa ECT program, ipatutupad din ng ahensya ang cash-for-work program sa rehiyon na tatagal hanggang 45 araw