Nagtagumpay ang pamahalaan sa isinagawang decommissioning ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) fighters sa Sultan Kudarat nitong Huwebes, Agosto 3.

Ito ang isinapubliko ni Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Jr. matapos pangunahan ang nasabing pagsuko ng mga armas.

Nasa 1,302 MILF fighters ang nagsuko ng iba't ibang armas na tanda ng pakikipagtulungan ng mga ito upang mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao.

Bukod kay Lagdameo, dumalo rin sa seremonya sina Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (PAPRU) Carlito Galvez Jr., BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) Chief Minister Ahod Ebrahim, Independent Decommissioning Body Chairman, Ambassador Suat Akgun; Government Implementing Peace Panel Chairman Panel, Usecretary Cesar Yano; at Mohaqher Iqbal, MILF Implementing Panel Chairman.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar