SANTA ROSA CITY, Laguna — Patay ang dalawang lalaki habang naglilinis ng septic tank nitong Huwebes, Agosto 3.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jeric Salvador at Rommel Lauzon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa imbestigasyon, nadikubre ng security guard ang mga biktima bandang alas-6 ng umaga at inireport sa himpilan ng pulisya.

Sinabi rin ng pulis na nagsimulang maglinis ng septic tank ang mga biktima bandang alas-9 ng gabi ng Agosto 2.