₱18.3M jackpot sa 6/42 Lotto draw, 'di napanalunan
Walang nanalo sa 6/42 Lotto draw nitong Huwebes kung saan aabot sa ₱18.3 milyon ang jackpot nito.
Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 21-16-14-29-06-22.
Nasa ₱18,307,868.20 ang jackpot nito.
Nitong Hulyo 8, 2023, isang mananaya ang nanalo sa 6/42 Lotto draw matapos mahulaan ang 6-digit winning combination na 03-28-12-26-08-21.
Ang naturang solo winner ay nag-uwi ng ₱7,656,441.80.
Ayon sa PCSO, binobola ang 6/42 Lotto tuwing Martes, Huwebes at Sabado.