Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Natagpuan na nitong Huwebes ang nawawalang Cessna 152 trainer plane sa bahagi ng Luna, Apayao.

Sa social media post ng Cagayan Provincial Information Office, wasak na wasak ang eroplano nang mahanap ng composite team ng Philippine Army, Philippine Air Force at local disaster risk reduction and management office sa Sitio Matad, Barangay Salvacion, Luna.

Ang mga nasabing grupo ang nagsagawa ng reconnaissance, search, rescue/retrieval operations nitong Agosto 3.

Kasama rin sa natagpuan ang dalawang sakay ng eroplano na isang piloto at isang student pilot.

Nauna nang naiulat na lulan ng nasabing two-seater single-engine plane sina Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo, at student pilot Anshum Rajkumar Konde na isang Indian.

Matatandaang naiulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nawawala ang nasabing trainer plane matapos mag-take off sa Laoag airport sa Ilocos Norte dakong 12:16 nitong Agosto 1 at hindi na nakarating sa destinasyon nito sa Tuguegarao City.