Nilinaw ni Philippine Army (PA) 17th Infantry Battalion (IB) commanding officer Lt. Col. Oliver Logan, na walang nakitang Cessna 152 trainer plane sa hangganan ng Barangay Salvacion, Luna at sa San Mariano, Pudtol sa Apayao.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ito ay batay sa isinagawang reconnaissance mission ng hanay ng PA at Philippine Air Force (PAF) nitong Miyerkules, Agosto 2.

Ito ay taliwas sa unang pahayag ni Apayao Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Jeoffrey Borromeo na may sighting na sa nawawalang eroplano sa nasabing lugar.

Idinahilan ni Logan, nagsagawa ang kanilang team at ang Tactical Operation Group-2 ng PAF ng search and rescue operation nang matanggap ang report mula sa PDRRMO Apayao.

Gayunman, wala silang nakitang bakas ng eroplano, gayundin ang dalawang sakay nito.

Una rito ay inihayag ng PDRRMO Apayao na tukoy na ang lugar na binagsakan eroplano at natagpuang wala nang buhay ang dalawang piloto nito.

Nitong Agosto 1, naiulat na nawawala ang eroplano matapos mawalan ng kontak sa piloto habang papunta sa Tuguegarao City Airport mula sa Laoag City Airport.