Iniutos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na apurahin ang pamamahagi ng relief goods sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad sa Central at Northern Luzon.

“The goods should not sleep with us,” anang opisyal.

Inoobliga ng opisyal ang mga regional director (RD) sa mga lalawigan na apektado ng kalamidad na gawin ang lahat upang makarating kaagad sa mga binagyo ang naturang tulong.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“ I hope all the RDs are allocating these and releasing them as fast as NROC (National Resource Operations Center). And we hope that the stakeholders get them fast. The goods should not sleep in our warehouses,” aniya.

Kabilang sa inatasan ni Gatchalian ang mga RD ng Region 1 (Ilocos), 2 (Cagayan Valley), 3 (Central Luzon) at Cordillera Administrative Region (CAR).

Matatandaang hinagupit ng bagyong Egay ang mga nasabing lugar, karamihan ay lubog pa rin sa tubig-baha, dulot na rin ng walang humpay na pag-ulan.