Dalawa hanggang tatlo pang bagyo ang posibleng pumasok sa bansa ngayong Agosto.

Ito ang pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at sinabing posibleng dumaan ang mga naturang bagyo sa Northern Luzon o extreme Northern Luzon.

Malaki rin ang posibilidad na malayo sa kalupaan ang mga bagyo. Gayunman, paiigtingin nito ang Southwest Monsoon o habagat na magpapaulan sa Western section ng Luzon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Umabot na sa anim na bagyo ang pumasok sa bansa ngayong taon.

Kamakailan, inihayag ng ahensya na walo hanggang 11 pang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa.