6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!
Nagdeklara na ng state of calamity ang Calasiao, Pangasinan dahil sa pagbaha dulot ng bagyong Egay at southwest monsoon.
Ito ang kinumpirma ni Calasiao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office spokesperson Christine Joy Soriano nitong Linggo at sinabing posibleng aabutin ng isang linggo ang pagbaha.
Ikinokonsiderang catch basin ng lalawigan ang naturang bayan.
Dahil dito, sinuspindi na ni Mayor Kevin Roy Macanlalay ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lunes, Hulyo 31.
Kasama na rin sa sinuspindi ang pasok sa government office.
Kaugnay nito, nasa 31 pamilya na ang nasa evacuation center nitong Linggo.
"There are those who were rescued from their residence but opted to stay in their relative's place," sabi naman ni Soriano.
Idinagdag pa ni Soriano na namahagi na rin sila ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.