Matapos pumanaw at tumulay sa "rainbow bridge" ang sumikat na security cat na si "Mingming" sa isang kilalang establishment sa Mandaluyong City, isang pusang kamukha niya ang pumalit sa kaniyang puwesto na nagpamangha sa mga madalas na nagpupunta roon.

Ayon "Nhe Bernal Tres Reyes," tila reincarnation ang nangyari kay Mingming dahil kamukhang-kamukha nito ang bagong security cat na bubungad sa lahat, sa entrada ng Worldwide Corporate Center o WCC.

Ang pangalan daw niya ay "Conan."

"Flex ko lang do you believe in reincarnation? And do you remember SG (Security Guard) Mingming WCC, the famous security cat , he's back thru Conan, the new secute of WCC na walang pinagkaiba kay SG Mingming, different cat in one soul and looks," aniya sa online cat community na "Cat Lovers Philippines."

‘No more pain, Mingming’: Security Cat sa isang establisyemento, pumanaw na

Ibinahagi ng netizen ang mga kuhang larawan ni Conan, kasama ang standee ni SG Mingming upang hindi siya makalimutan.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen dahil tila bumalik daw si Mingming sa mundo---sa katauhan ni Conan!

Namatay si Mingming dahil sa sakit na gingivitis.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!