National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Isa ang nanalo ng halos ₱94 milyong jackpot sa 6/49 Super Lotto draw nitong Huwebes ng gabi.

Ito ang isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sinabing nahulaan ng naturang mananaya ang 6-digit winning combination na 42-12-25-05-19-18.

Wala pang inilabas na impormasyon ang PCSO kung taga-saan ang nabanggit na mananaya.

Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Papatawan ng 20 porsyentong buwis ang premyo ng nasabing mananaya alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.