Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality na si Rendon Labador hinggil sa makahulugang tweet ni Unkabogable Star Vice Ganda, sa ilang taong nagnanais sumikat kaya ginagawa raw ang pagpapaka-toxic para maging relevant.

Aniya sa kaniyang cryptic tweet nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 26, "Kung (ano-ano) na talaga ang pinapasok at ginagawa ng ilang tao para lang sumikat no?"

"Yung kahit magpaka-toxic kakaririn nila basta makaamot lang ng relevance."

"How pathetic! Ang sad! It’s not mothering!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi naman tinukoy ni Vice kung sino ba ang pinatatamaan niya sa nabanggit na post, subalit marami sa mga netizen ang naniniwalang patutsada ito kay Rendon, na sumita sa kanila ng partner niyang si Ion Perez, kaugnay ng ginawa nilang pagkain ng icing ng cake sa "Isip Bata" segment ng "It's Showtime.

Napatanong pa ang motivational speaker kung nag-eexist pa ba ang MTRCB dahil dito.

Sa comment section ng ulat ng Balita kaugnay sa cryptic tweet ni Vice, nagkomento rito si Labador.

Kung siya raw ay toxic, si Vice naman daw ay "hayup."

"KUNG TOXIC AKO, HAYUP KA!!!"

"Willing akong magpaka-toxic para lang maimulat at magising kayo sa katotohanan. Hindi ko gusto na ma-expose ang mga batang viewers ninyo sa kahayupang ginagawa ninyo ni Ion. Ang gusto ko lang ilugar ninyo!!! Nakakadiri kayong dalawa, huwag sa harap ng mga bata!"

Photo courtesy: Richard de Leon/Balita

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Vice o Ion hinggil dito.