Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng bagyong Egay sa sa Apayao.

Inunang bigyan ng tulong ng DSWD ang mga pamilyang nasa Barangay Cacalaggan at Emilia sa Pudtol, Apayao.

Nangako ang ahensya na makatatanggap ng family food packs ang lahat ng pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Bukod sa DSWD, nakibahagi rin sa distribusyon ng tulong ang Municipal Social Welfare and Development Office-Luna, 91st Infantry Battalion ng Philippine Army, local government ng Pudtol, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pudtol.