Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Hulyo 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:47 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 98 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 18 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Eleksyon

Maja Salvador kay Tito Sotto: 'Senador na maaasahan'

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.