Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Egay (international name: Doksuri), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes ng umaga, Hulyo 27.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng typhoon Egay 255 kilometro ang layo sa kanluran ng Itbayat, Batanes, na may maximum sustained winds na umaabot sa 150 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 185 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

Nakataas pa rin naman sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

National

WALANG PASOK: Class suspension para sa Biyernes, Marso 7

  • Batanes
  • Hilagang-kanluran ng Cagayan (Claveria, Santa Praxedes) kabilang na ang Babuyan Islands
  • Hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg, Burgos)

Naitala naman ang Signal No.1 sa mga sumusunod:

  • Pangasinan
  • La Union
  • Ilocos Sur
  • Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte
  • Mga natitirang bahagi ng Cagayan
  • Apayao
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Abra
  • Benguet
  • Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag)
  • Hilagang bahagi ng Nueva Ecija (Cuyapo, Guimba, Pantabangan, Science City of Muñoz, Carranglan, San Jose City, Lupao, Nampicuan, Talugtug)
  • Hilagang bahagi ng Tarlac (Paniqui, Moncada, Pura, Camiling, Ramos, San Manuel, Anao, San Clemente)

“EGAY is forecast to track north northwestward over the Luzon Strait, the sea southwest of Taiwan, and the Taiwan Strait throughout the forecast period while gradually accelerating,” anang PAGASA.

Inaaasahan umanong magland-fall ang bagyo sa vicinity ng Fujian, China bukas ng umaga, Biyernes, Hulyo 28.

Samantala, ayon pa sa PAGASA, patuloy na makararanas ng occasional hanggang monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Central Luzon at Southern Luzon sa susunod na tatlong araw dahil sa Southwest Monsoon o habagat na pinalakas ng bagyo.