Puntirya ng Land Transportation Office (LTO) na makumpleto ang 5.2 milyong plastic cards para sa driver's license bago matapos ang 2023.

Ito ay nang matanggap ng LTO ang paunang 5,000 plastic cards para sa lisensya mula sa supplier nito na Banner Plasticard, Inc. kamakailan.

National

LPA sa labas ng PAR, ganap nang bagyo

Sa social media post ng LTO, binanggit ng hepe ng nasabing ahensya na si Vigor Mendoza II na nangako ang supplier na magpapadala ng 5,000 plastic card kada linggo hanggang sa maabot ang target na 5.2 milyong cards bago matapos ang Disyembre 2023.

Matatandaang sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na umabot na sa 690,000 ang backlog para sa physical driver's license card ngayong taon.