Marami ang napa-wow sa looks ni "Face 2 Face" host Karla Estrada nang dumalo siya sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. nitong Lunes ng hapon, Hulyo 24, 2023.

Suot ni Karla ay isang pink Filipiniana na nagpalutang daw sa kaniyang kagandahan.

"Mahalin natin Ang ating Bayan," caption dito ni Karla.

Karla Estrada ibinida ang pagtatapos ng BS Office Administration sa PCU

Ilan sa mga celebrity ang nagpahatid ng papuri sa kaniya kagaya nina ABS-CBN news anchor Karen Davila, Sunshine CRuz, Vina Morales, Jackie Forster, Candy Pangilinan, Jay-ar, at Ruffa Gutierrez.

Para daw siyang si "Barbie" o ang bidang karakter sa isang pelikula ngayon.

Kamakailan lamang ay ibinida naman ni Karla ang kaniyang pagtatapos ng kursong Bachelor of Science in Office Administration sa Philippine Christian University.