Mahigpit ang pinaiiral na seguridad sa loob at labas ng Batasang Pambansa kaugnay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong Lunes (Hulyo 24) dakong 4:00 ng hapon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nakabantay sa North at South gate ng gusali ang mga tauhan ng K9 at Explosives Ordnance Disposal (EOD) team ng Philippine Coast Guard upang hindi makalusot ang mga magtatangkang manggulo sa SONA.

Paliwanag ng PCG, magsisilbi sila bilang dagdag-puwersa sa Presidential Security Group (PSG) na nauna nang nakapuwesto sa lugar.

Katulong din ng mga ito sa pagsasagawa ng paneling at inspeksyon sa loob ng session building ang Security Advance Task Group Bravo upang matiyak na magkaroon ng ligtas at mapayapang pagdaraos ng SONA.