Nagwakas na rin ang dalawang taon na pagtatago sa batas ng isang wanted matapos maaresto sa Marawi City dahil sa kinakaharap na patung-patong na kaso.

Si Karis Kinompas Tomao, nasa hustong gulang, taga-Barangay Dilimbayan, Maguing, Lanao del Sur, ay dinampot ng mga pulis sa Brgy. Bangco, Marawi City nitong Hulyo 21, dakong 1:55 ng hapon, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 8, 12th Judicial Region, Marawi City, Lanao del Sur noong Hulyo 20, 2021, sa kasong murder, frustrated murder at attempted murder.

No bail ang naging rekomendasyon ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Tomao.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Under custody na ng Marawi City Police Station ang nasabing akusado, ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.