BATANGAS - Patay ang isang tricycle driver at ang babaeng pasahero matapos mabangga ng isang truck sa Lipa City nitong Linggo ng madaling araw.

Dead on arrival sa Lipa City District Hospital sina Ariel de Mesa, 53, taga-Barangay Sabang, Lipa City at Melanie Revadabia, 36, taga-Brgy. Antipolo del Sur dahil sa matinding pinsala sa kanilang katawan.

Sa police report, dakong 12:15 ng madaling araw, binabagtas ng tricycle na minamaneho ni de Mesa ang Lipa-Tiaong Road, Brgy. Antipolo del Mundo patungong Lipa City proper nang makabangga nito ang kasalubong na truck sa kabilang lane.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Binanggit na lumihis umano pa-kaliwa ang tricycle at sinakop nito ang bahagi ng kabilang lane kaya nauwi ito sa aksidente.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang driver ng truck na si Ruel Mahinay, 53, taga-Brgy. San Miguel, Sto. Tomas, Batangas.