Isinapubliko ng OCTA Research Group nitong Sabado ng gabi na mas mababa na ngayon sa 5% threshold na itinatakda ng World Health Organization (WHO) ang nationwide Covid-19 positivity rate sa bansa.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nasa 4.9% na lamang ang 7-day positivity rate ng bansa sa Covid-19 hanggang nitong Hulyo 22.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ito ay pagbaba mula sa 5.0% nationwide positivity rate na naitala nitong Hulyo 21.

Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga pasyenteng isinailalim sa pagsusuri.

Ayon kay David, nakapagtala rin sila ng 290 bagong kaso ng sakit sa nasabing petsa, kaya umabot na sa 4,171,353 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa.

Sa naturang bilang, 5,199 na lamang ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa sakit.

Idinagdag pa ni David, wala namang naitalang namatay sa karamdaman sa nasabing araw kaya’t nananatili sa 66,542 ang total Covid-19 deaths