Isa na namang mananaya ang naging instant millionaire matapos manalo ng mahigit sa ₱22.8 milyong jackpot sa 6/42 Lotto draw nitong Sabado ng gabi.

Nahulaan ng nasabing mananaya ang winning combination na 14-27-19-26-08-38.

Nasa ₱22,821,402.20 ang premyo para sa naturang draw, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hindi na muna isinapubliko ng PCSO kung taga-saan ang lucky bettor.

Aabot sa 20 porsyentong buwis ang ikakaltas ng gobyerno sa premyong iuuwi ng nabanggit na mananaya alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Binobola ang 6/42 Lotto tuwing Martes, Huwebes at Sabado.