Pinaghahanap ng operatiba ng Manila Police District (MPD) ang 16-anyos na lalaki na sumaksak sa dalawang menor de edad sa Tondo sa Maynila nitong Sabado ng madaling araw, Hulyo 22.

Ayon sa MPD, ang mga biktima, isang 14-anyos at 15-anyos na mga lalaki, ay kumakain sa tapat ng isang convenience store sa Moriones Street bandang 12:45 ng madaling araw nang biglang lumitaw umano ang suspek.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sinaksak ng suspek ang 14-anyos na biktima sa kanang paa at ang 15-anyos sa likod. 

Agad na dinala ang mga biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Hospital. Sila ngayon ay nasa stable na kondisyon.

Bago ang insidente, ayon sa pulisya na nagkaroon ng alitan ang mga biktima at suspek na nauwi umano sa riot. 

Nagsasagawa na ngayon ng follow-up operation ang miyembro ng Don Bosco Police Community Precinct (PCP) upang matunton ang suspek. 

RICHIELYN CANLAS