Nagdulot ng katatawanan sa social media ang naging pabirong sagot ni Kapuso actor Jeric Gonzales nang kapanayamin sila ng nobyang si Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso actress Rabiya Mateo sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Nasabi kasi ni Rabiya na si Jeric ang kaniyang "pahinga."

"Since hindi kami magkasama sa work, pagdating sa bahay, parang siya yung pahinga ko," ani Rabiya.

Ginatungan naman ito ng King of Talk at tila nagandahan sa sinabi ni Rabiya, kaya napatanong naman siya kay Jeric.

Rabiya sa relasyon kay Jeric: ‘We need to give this relationship a second time’

"Ganda naman niyan, 'siya ang pahinga ko.' Kung pahinga ka ni Rabiya, ano naman siya sa iyo?" ani Boy.

"Ah... sa kaniya ako napapagod," hirit ni Jeric na ikinatawa nilang lahat.

Pinagpiyestahan naman ito sa iba't ibang social media platforms at iisa ang tanong ng madlang netizens sa mag-jowa: ano bang klaseng pagod 'yan?

"Anong klaseng pagod ba yung ginagawa sa'yo ni Rabiya, Jeric? Hahaha."

"Hahahaha ang cute!"

"Parang dalawang meaning ng pagkapagod ang naiisip ko hahaha."

"Sana all pahinga!"

"Sana all pinapagod ni Jeric hahaha."

"Saklap naman ng pagod ka daw nya. Chz haha."

"Masyado mo namang pinapagod si Jeric, Rabiya! Kakaloka haha."

"Kung ganyan naman kasi kaguwapo at kacharming ang jowa mo, papagurin mo talaga hahaha."

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag sina Rabiya at Jeric tungkol dito.