Direktang sinagot ng Kapamilya actress-vlogger na si Ivana Alawi ang hinggil sa buhay pag-ibig niya, sa idinaos na media conference para sa kaniya noong Miyerkules, Hulyo 19, 2023.

Ang nabanggit na media conference ay kaugnay ng muling pagpirma ng kontrata ni Ivana sa ABS-CBN at maging sa Star Magic.

Isa sa mga natanong ng isang taga-media kung kumusta ba ang love life ng actress-vlogger.

Ivana Alawi, mananatiling Kapamilya: ‘I am here where I am supposed to be’

“Laging family and siyempre ‘yong pagtulong sa kapwa. Kailan naman daw ba ‘yong love life?” tanong ng isang taga-press.

Tapat naman itong sinagot ni Ivana. Aniya, hindi naman daw siya nagmamadali ngayon kumpara dati.

“Actually hindi na ako nagmamadali, dati talaga naghahanap ako. Pero ngayon, I’m just really enjoying life, I’m enjoying my work, and I’m enjoying my family and vlogging," aniya.

“So, kapag dumating, dumating. Pero hindi ko siya priority ngayon,” huling sagot ni Ivana.

Samantala, sa latest episode naman ng “Ogie Diaz Showbiz Update” nitong Biyernes, Hulyo 21, napag-usapan nina Ogie at co hosts na sina Mama Loi at Ate Mrena ang tungkol dito.

Ayon kay Ogie, dapat lang na i-prioritize ni Ivana ang career niya dahil darating din umano ang buhay pag-ibig nito.

“Dapat lang no. Priority mo muna dapat ang career mo. Oo, ‘yan naman makapaghihintay ‘yan e, darating ‘yan,” dagdag pa.